Monday, January 14, 2013
January 12, 2013
Nung papunta palang ako sa SM Fairview, kasi may album tour ang Callalily dun, nabasa ko na yung tweet ni Lem. Looks like she lost her mom. Di ako ganun ka-affected nung una honestly kasi akala ko talaga okay lang. I mean, I know it is never okay to lose your mom - I know because Ive lost my mom too, akala ko yung tipong the show must go on pa din. Yun nga nung nalaman kong di muna sya yung magdra-drums for Callalily dun sa SM Fairview, nalungkot na ako. Okay lang naman na wala sya, I mean understandable yun. Pero nung nalaman kong wala sya, tas yun pa yung dahilan kung bakit wala sya, ayun, sad.
Actually excited pa sana kami makita ulit yung boys. Kaya pinagpilitan naming makapasok dun sa loob. Kasehodang magambag ako para sa CD ng Gracenote (yun na binili namin kasi mas mura at saka meron naman na kami nung Flower Power) at kahit di na mapunta sakin yung cd na yun, okay nalang. Paglabas nga ng boys di na namin napigilang hindi maexcite at sumigaw. Kaso, ramdam namin na malungkot sila, so maya maya, nag lie low kami. I mean, nakatayo nalang kami nung nagpeperform sila. Lahat ng kinanta nila, I think ha, connected sa mom ni Lem. Una, Magbalik, tas Buhay, Buhos ng ulan, HKM at Pasasalamat. Nakakalungkot lang. Alam mo yung sa sobrang kabisado ko na yung tugtog nila, alam ko na yung susunod na gagawin nila, tas yun nga nung tinutugtog yung HKM, no offense kay kuya vic kasi magaling naman talaga sya, pero parang kulang, kulang yung sound. Iba yung palo ni Lem kasi e. Iba yung dating pag anjan sya kasi syempre pag anjan sya may hand sonic. Pero basta. ayun.
Masaya na malungkot. Masaya kasi namention kami, naappreciate kami, nakapagpapicture kami at nakausap ko naman si Aa. Malungkot lang kasi wala si Lem tas yun nga yun pa yung dahilan. :(
Anyway, Can I ask you na ipagpray mo naman mom ni Lem? Kahit isang minuto lang. Done? Thankyou.
I know how it feels. Ive been through that. Pero, each experience is different. Pero i think din na same yun lahat, bottom line kasi is nawalan ka ng ina at masakit yun. It depends how you handle it. I suggest everyone to express your love sa taong mahal mo. Wag ka na magpa petiks. You will NEVER KNOW. Malay mo, bukas makalawa, wala na yung mahal mo. Wala na yung saysay ng pagsabi sa kanya na mahal mo sya kasi di na nya maririnig, di na nya mararamdaman, di na nya maeenjoy yung pagmamahal mo. Di mo daw fully ma'aappreciate yung isang tao hanggat di sya nawawala sayo - MALI yun kung tutuusin kaya dapat wag mo na hintayin yung magsisi ka sa huli. Dapat, maiparamdam mo sa kanya na appreciated mo sya, hanggat nandyan sya. Dapat masabi mo. Kung hindi, masasayang lang ang lahat.
Lalo na sa magulang mo. Hindi nyo lang alam kung gano ako naiinggit sa mga kaklase kong may kasamang nanay nung graduation namin. Yung may nanay na naghahanda ng damit nila, nagayos sa kanila para sa napaka importanteng bahagi ng buhay nila na yon dahil alam ko, na kung andun si mommy, panigurado sya nagaasikaso ng kung anong susuotin ko, kung ano ayos ko. Hindi nyo lang alam yung nararamdaman ko everytime may nakikita akong nanay na kasama ng mga callalista sa bawat gig ng callalily, dahil alam ko, kung buhay pa mommy ko, malamang, sumama din yun. Makikipicture din yun. Makikikulit din yun. Masaya lang ako tingnan. Masaya lang. Chill. Relax. Pero sobra. Sobrang namimiss ko mommy ko sa mga panahong "kadalasan" andun sya. Pasko, Bagong taon, bday namin, graduation, pagpasa ko sa board, mga gala at kahit simpleng araw lang, - out of the blue namimiss ko sya.
Kaya kayo, mahalin nyo sila. Tatay at nanay nyo. Pati mga kapatid nyo. Importante sila. I remember yung sinabi ni Fr. Mayk nung retreat namin nung highschool, kelan mo daw sasabihing mahal mo ang taong mahal mo, lalo na ang magulang mo? Pag patay na sila? Pag mukha na nila nakikita mo sa loob ng kabaong? Kung kelan di mo na sila mayayakap at mahahalikan? Naalala ko, yun yung panahong sobrang naiyak ako. Di ako iyakin actually. Matatag loob ko dyan. Kaya ko pigilan luha ko. Pero nung sinabi ni Fr. Mayk yun, nung pinaimagine nya samin yun, tumulo nalang talaga luha ko.
It hurts to lose your girlfriend/boyfriend/friends. But it would hurt more if you lose your family. Masakit. Sa sobrang sakit, kakailanganin mong magdasal at ipasa Diyos nalang ang lahat. Dahil tandaan, wala Siyang ibibigay sayo na alam Niyang hindi mo kakayanin. Continue your life, but learn your lesson. Love like how God loved us. Be expressive.
Favor ulit, pray for my mom na din. Done? Thankyou!
Sa mga nawalan, kaya nyo yan. Sabi ko nga diba? Di ibibigay yan ni God kung di mo kaya. Kaya mo yan. Dasal lang.
Sa mga may magulang pa, paramdam nyo. Wag matakot. Mas matakot kayo pag nawala sila.
-- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco and follow my group @CKInvasion ;) thankyou!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment