Wednesday, January 9, 2013

Fit for Callalily and 2013!

Hahaha! Hello readers! Pasensya na late update ng blog, medyo busy kasi eh :) Pero at least nagupdate diba? :)) Love ko kayo eh. Ayaw maniwala? Edi wag. HAHAHA! Charot.

Well, since late update to, nung sunday pa kasi to, so ayun nga.

So nung thursday, etong si boss K, nagyaya magbike on Sunday sa San Mateo. Eh diba start ko na ng Monday (January4) sa hospital so ang plano is di na kami pupunta magbike (at wala din naman kami bike para magbike) at sa bistro kasi pupunta din naman kami sa SM Fairview. Ayun, eh nung Saturday, todo yaya sya na magbike nga daw, ako wala na talagang balak, pero yung mga kasama ko nagdadalawang isip, tapos yun, niyaya nila ako. Sabi pwede naman daw magjogging. Ang iniisip ko, may duty pa kasi ako kinabukasan. Well ayun! To make the long story short, nagkayayaan na. At nakapagdecide kami, 11pm na. HAHA! OHA! 11pm na nagdecide, so syempre maghahanda pa ng damit nyan, tapos aga pa ng gising kinabukasan kasi nga 6am ang sabi nya. Pero oh well, all for CL.





Ayun! Nagising ako 3am (di ko na kinailangan yung alarm clock ko  kasi nagising ako before sya magalarm. HAHA Excited ako e!) tas nakarating kami dun ng around 6:30am (oo! late na. HAHA! Eh kasi naman tong mga jeep na 'to todo hintay pa ng pasahero. HAHA) Anyway, ayun nga, kasama ko nun ang co'admin ko si Rhesel at member si Ghe. Pagdating dun wala pa sila, tas nakita namin yung mga friends ni Ghe, so bali 6 kaming naghihintay dun nun. Edi  yon, todo abang naman kami sa kanila, nagtatawanan pa nga kami kasi nga parang ang bilis namin nagkayayaan na sumama. So lahat ng dumadaan na puting car tinitingnan namin, pati lahat ng naggbabike. Tas after a few, habang katext ko si Rebeca (pasunod pa lang kasi sila), tinatanong nya kung andun na daw ba sina K nga sabi ko wala pang pogi, (HAHAHA! Sina K lang pogi sa paningin ko, pati na din lahat ng kasama nila. Sorry sa masasaktan HAHA) ayun may nagsabi sa kanila na parang andyan na nga daw sina K, tas paglingon ko, ayun si Boss K, nakangiti tas naka sunglasses, helmet, tshirt na green at nakasakay kay Leaf. Edi ayun, kumaway ako, pati na din mga kasama ko.

Tas ngumiti sya lalo sabay sabi "Goodmorning" tas si Sir Dar (na akala ko talaga si Aa) bumusina  samin (gamit yung bell nung bike). Tas dumerecho sila sa loob nung Biker's Cafe. Medyo madami din sila e. Si K, Si Tatsi (na ang SEXY! Hahaha! Charot! Naka cycling kasi e.), si Sir Dar, Kuya Bert (ng Moonstar88/6CM), tas yung mga coach nila, tapos yung gumawa daw ng cover ng Flower Power (sorry I forgot the name) tas basta ganun, medyo madami sila. Tas kami syempre medyo nahiya naman kami (Chos! HAHA). Ayun pinapasok kami dun nina Sir Dar. Tas tuwang tuwa si Kuya Bert samin kasi sabi nya tweet lang punta naman kami. So pinakilala ni K yung mga kasama nila (pero di ko na maalala yung iba. Haha sorry na!) tas nag Hi tas Hello tas may apir pa. Ganun. :)) Tas sabi nga namin na CK Invasion nga kami.

Ayun, tas nagpapicture na kaming 6. Tas si Sir Dar sabi picturan daw nya kaming group tas i-ig nya  daw. Tas natatawa ako ka Kuya Bert kasi di niya naalalang nagpicture na kami samantalang nakatingin naman sya sa picture. Sabi ko nga, "Tapos na kuya! Katabi pa nga kita eh." Haha kakaaliw lang. Tas sabi nya sorry daw late sila kasi daw si K late daw dumatinng, tas sabi ni K parang "Anong ako?" natawa lang si Kuya Bert  tas sabi nya joke lang daw, sya daw talaga yung late. HAHA!

Eto yung i-ig ni Sir Dar :)

So ayun, habang hinihintay namin sina Aa, tinetyempuhan namin si Tatsi para makapagpapicture. Haha! Ang ilap e, di namin mahuli yung tingin. Nahihiya din naman kasi kami bigla lumapit kasi may ginagawa sya tas may kausap pa sya. After a few, dumating si Aa, picture lang saglit tas maya maya sabi ni Sir Dar, una na daw kami kasi maaabutan naman daw nila kami.




me, Rhesel and Ghe

bikers! Tas ayun kami nasa unahan nila :)) naka orange ako







Invadees with Aa
Tatsi :)
*note* Thankyou kay Charmaine Agonias, for the pictures pati sa pagiging new member ng CK Invasion! :)

*ill update more pictures soon.*

Kami lang nila Rhesel at Ghe yung umakyat, tas habang hingal na hingal kami paakyat, yung ngiti nin naka plaster lang sa pagmumukha namin e. Haha! Para lang kaming mga "high" eh. HAHA. Tas yun, naunahan nga kami nina K, pero una kami kina Sir Dar. Tas buti nag stop over. Kahingal din noh! HAHA! Kahit lakad lang ginagawa namin eh paakyat naman so hingal pa din haha!

Maya maya habang nagpapahinga kami, may 3 lumapit na "Min-la" (mini bakla kasi mukhang bata pa sila e :)) tas yun nga gay) tas sabi nung isa "Excuse me everyone! Pwede magpapicture?" Haha! Super adorable nung mga yun. Haha! Tas syempre pumayag si K. Tas maya maya sabi ko una na ulit kami kasi maaabutan na naman kami tas tinanong namin si Aa kung aakyat na ba sila. So ayun nga nauna na kami ulit pero maya maya nauuna ulit sila. HAHA! Tas everytime na makakasabay (then soon mauunahan) namin sila, nagkakaron ng short conversation.

Nakakatuwa lang kasi naka plaster talaga yung ngiti namin kahit kuntodo hingal kami. Haha! Sabi nga nina Rhesel at Ghe, nasa taas daw yung prize, si K daw grand prize pag nakaabot sa taas HAHA! Lam mo yun? yung hingal ka, pagod ka pero ang saya? Ang sarap ng feeling. Well una kasi kasama sila, tas pangalawa fit lang peg namin diba? Hahaha!

Tas ayun, along the way, may nga nadadaanan kaming nagpapapicture with K, minsan pag naka pahinga kami saka sila lumalapit. Tas nung medyo malapit na kami sa Timberland (yung pinaka taas nun) may parang group ng girls na naka abang dun tas nagpapicture kay K, tas syempre huminto si K. So habang nag pipicture sila, kami din hinto kasi pahinga na yun oh! haha! tas maya maya tumigil si Tatsi sa tabi namin. Ayun! Kahit hingal, nagtanong ako kung pwede magpapicture. Buti pumayag, haha! Bait talaga! Eh kasi naman syempre hingal pa sya (well pare-parehas lang kaming hingal pa HAHA!) Syempre tyempo din dapat. :) So habang nagpapapicture sila kay K, kami naman nagpapapicture with Tatsi :)) tas nung paalis na kami, pinakilala ni K si Tatsi sa mga nagpapicture sa kanya. Sabi nya parang "Ayun si Tatsi oh!" Tas ewan kung sino pa nagsabi basta kasama din namin sabi naman "Tatsi ng Callalily". :D

Oh yeah! Tas yun, gora  na ulit. Tas nung narating namin yung taas, wala! Ang saya lang. Kasi diba, 1st time namin dun umakyat, tas kasama pa sila. Masaya lang talaga. Tas syempre all smiles kami, tong si Kuya Bert, nambola, fresh na fresh pa din daw kami. HAHA! Charotero! Haha! Nagpapakahirap pa daw sila magbike samantalang kami nga lakad lang diba? Haha! Ayun, tas narinig nila Ghe na naghahanap daw ng Gatorade tong si Boss K, dapat bibilhan namin, eh kaso sabi wag nalang, dami kasi nila. Unfair pag sila K lang bibigyan namin. At saka kung tutuusin naman mas mayaman naman sila kesa samin HAHA!

Ayun so Q&A ang peg nila, kami nasa hot seat Haha tas nakakatawa everytime na matatanong nila taga san kami tas sasabihin ko "Valenzuela", nagugulat kasi sila. Tas broadcast pa, sabi nga ni Kuya Bert kay Boss nung nalaman nya, "May taga Valenzuela pa pala dito oh!" Haha! Aliw. Ganun ba kalayo yon? Haha! Para sakin hindi, haha! O baka gala lang ako at sanay ako bumyahe :)) Ang sweet pa nga kasi narinig ko sabi ni Kuya Bert kay K, ingatan daw kami, solid daw. :) Ang sweeet!

Ayun, masaya sila kasama lahat. Lalo si Kuya Bert! Haha! Kung anu ano sineshare samin Haha! Samin samin nalang yon! Hahaha! Charot. Basta masaya tas enjoy lang. Yun nga lang papasok sila ng Timberland, eh need ng ID, eh walang dalang ID mga kasama ko tas yun nga derecho na pala sila ng "shotgun" non, so iwan kami sa gate tas bumaba na din kami. Nagthankyou si K tas gumora na. :) Ang weird nga kasi si Sir Dar parang nakalingon pa sa lugar namin ng medyo matagal tas ewan namin ano meron, kung hinihintay ba kami or what diba. haha. ayun sa huli nga separate ways na kami. :'( Haha! pero okay lang kasi enjoy. Tagal naman na namin sila kasama. :)

Pag baba namin saka namin nakasalubong tong sina Rebeca, di ko na kasi sila makatext kasi nawawalan ng signal kaya di na din nila naabutan sila K. So sumabay na sila samin pabalik sa baba. Tas naghihinayang kami nina Rhesel kasi di namin natanong kung san dederecho sina Sir Dar after. Kaya ayun, kaming tatlo ulit nina Rhesel at Ghe dumerecho dun sa may sasakyan nila K, kasi sabi namin sureball makikita namin sila ulit kasi syempre sasakyan nila un. Haha! Tas sina Rebeca tumambay pa muna sa may Biker's Cafe. So ayun, nung nakita namin si Kuya Jumong nakipagkwentuhan muna kami sa kanya. Haha! Tas maya maya, tinawagan ko sina Rebeca na andun nga kami kay Kuya Jumong. Tas pagpunta nila dun, ayun kwentuhan. "Dad" na nga tawag namin kay Kuya Jumong para ilibre nya kami kaso ayaw pa din. Hahaha!

Ayun, eh ang tagal. Siguro mahigit 2hrs kami dun. Tas nagdecide kami ulit nina Ghe na silipin sila sa Biker's tas naiwan sina Rebeca ulit dun kina Kuya Jumong. Yung nasa daan kami papunta dun sa Biker's, sa sobrang init (kasi tanghali na non, mga 12noon) naka yuko lang kami tas syempre ako naka jacket, medyo malungkot na kami non kasi syempre wala sa paligid sina K (HAHA charot! walang energizer. haha!), tas may nagsalita, sabi "Oh andito pa pala kayo? Andun sila." pag lingon namin, yun yung isa pang kasama nila K tas nakangiti samin. Tas kami naman nangiti agad, nagthankyou kami tas natatawa kami kasi naalala pa din kami kahit nung mga kasama nila K. :)) Tas kami parang biglang nahiya. Kasi nga naman diba, ang kulit lang namin hahaha. Andun ulit kami. :))

Ayun, tas nung nakita kami ni Sir Dar (kasi nakatalikod si K non), nagulat din sila na andun pa kami. Pinapatambay pa nga kami dun. Tas sabi namin nga magpapaalam lang kami. Tinanong kami kung san kami galing sabi namin nakipagkwentuhan kay Kuya Jumong. Tas yun, naisip ko sabihin na andun pa nga sina Rebeca hinihintay sila. Ayun, nagthankyou ulit sila. Kami naman nahihiya na kami HAHA! Ayun pag-alis namin, sumilong kami saglit dun sa isang puno na may waiting shed. Tas maya maya, dumaan na din sina  K, nagpaalam ulit kami tas nagflying kiss si K samin. Haha! tas sunod na sina Aa at Tatsi, tas syempre nagpaalam ulit kami, tas sabi ni Tatsi ingat daw kami. Ayun. Tas saya lang. :) Sabi pa nga nung isang kasama nila na nakamotor, papasunod daw nya yung tricycle kaso wala naman kaya nauna na din kami. Haha!

Tapos yun, derecho kami kina Ghe, nagpalit lang ako ng damit tas pinag lunch kami dun. (Thankyou dun sa family nina Ghe. Super bait lang tas welcome kami. Kahit biglaan lang ang lahat. Thankyou po sa inyo. :) Next time po ulit? De joke lang Haha! Pasensya na din po sa istorbo. Haha!)

Ayun, paguwe napaka saya ko lang. Worth it yung pagod. Sarap kasi din nila kasama, di kami left behind. Di kami out of place. Tas sabi nga nina K, nexttime daw ulit. Naman diba! Balak ko na nga seryosohin yung pagdya-jogging kahit hindi na sa San Mateo. O diba? Sinong nagsabing Bad Influence sila? Nagpapaka fit nga ako nang dahil sa kanila oh. Haha! Sabi nga ni K nung nasa Timberland kami, para daw fit sila pag nagpeperform for us, tas sabi ko naman, para din fit kami habang nanonood nag performance nyo! O diba? Hahaha!

Super saya! Kahit wala si Lem (ewan daw ni Aa kung nasan yun haha!) nagenjoy ako. Thankyou sa lahat ng nakasama ko, kina Rhesel at Ghe na nakasama  ko maglakad paakyat. Bonggang naloka mga binti ko. Haha! Kina Rebeca, Arshiena at Julie kahit saglit lang nakakwentuhan. Kay Kuya Jumong/Dad, thankyou sa pagentertain, sa mga kasama nina K na bikers salamat po! Salamat kasi ang bait nyo samin haha! Kina Sir Dar, Kuya Bert, K, Tatsi and Aa. Thankyou sa magandang experience. Sobrang nagenjoy ako. Nexttime ulit!


sweet. :"> talagang namention ni K yung taga Valenzuela. Kaso di naman ako tinag. HAHA charot. 



-- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco and follow my group @CKInvasion ;) thankyou!

0 comments:

Post a Comment

© As Brain Doodles in my Heart, AllRightsReserved.

Designed by ScreenWritersArena