Sunday, October 28, 2012

Sense of Humor


Hello there boys and girls! Oh line na naman ni K. Haha! Don’t worry di to about K, di din about Callalily. Wala si Amielle na super fan ng Callalily, umalis, inutusan ko bumili ng toyo’t suka. Ang nandito ngayon si Amielle na sabaw. Hahaha! Ay nako, eto na naman ako. Sabaw.

Im watching a television show kanina, lam nyo yung Mars? Aired sa GMA News TV. Gabi yun pinapalabas e, mga 6pm ata? Not sure basta abangan nyo nalang. Yun kasi pinapanood ko before ako manood ng balita. Basta kasabayan nya ata yung sirena ng Dos. Haha! Sorry, di ako fan ng teleserye. Or maybe di ko lang feel tong teleserye ngayon. :P

Ayun, yung topic nila sa isa sa mga segments nila ay kung may dagdag pogi points daw ba talaga ang lalaking may sense of humor. Nainspire lang ako sa topic so Im gonna share to you guys a piece of my mind about this.

Ako, personally, naaaliw ako sa mga guys na may sense of humor. Im magically attracted to them. I like being surrounded by positive people. Sense of humor = positive people. Diba? Basta kasi napaka saya tumawa. (Tumatawa ka nga kasi masaya ka kasi e Haha!) Kasi basta! Sino ba ayaw maging masaya? Basta nakaka attract talaga for me yung may sense of humor.

Sa school before, pag walang professor, yung vice mayor naming laging nagpapatawa. Basta, gagawa sya ng kalokohan tas basta, masaya lang. Sa group namin, dami naming nabubuong kalokohan. Magaasaran tas walang kapagurang tawanan. Kahit may duty, sige lokohan pa din. Nung 2nd year ako, yung previous group ko, I remember gumawa kami ng music video noon habang nagduduty kami sa E.R. Yep! Dun sa emergency room! Haha! Nakakaaliw lang talaga.

I believe kasi you only have 1 life to live, why waste it by being so gloomy? Magpakasaya ka lang. Not to the point of sobra na syempre. Yung bang puro tawa tas wala ka namang gawa. Kung ako siguro, mas pipiliin ko yung buhay na 80% saya, 10% lungkot tas 10% na iba pang emosyon. Kasi naman dapat talaga naeexperience mo lahat. Dun ka mas tumatatag. Kung gloomy ka today, don’t be gloomy forever. Always do something good para maging happy ka na ulit.

I once encountered a person na super gloomy. Yung tipong ang dami dami nyang pinoproblema. Eh kung tutuusin mas mabigat pa nga yung problem ko before kesa sa kanya. Tas basta, lagi syang feeling kawawa. I liked him pa naman pero dahil ganun sya, wala, wag nalang. Haha! Lagi kong pinapaintindi sa kanya na may mga taong mas malaki pa ang problema sa kanya pero kinakaya nila. Hay nakooooo! Negative, negative! Very baaaaad! Haha! Kaya dun tayo sa positive lagi. J



Eh pano daw yung “opposites attract”. Yaan mo na sa mga magnet yan. Haha! Ibang topic yun.  Ibang scenario. J

-- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco ;) thankyou!

0 comments:

Post a Comment

© As Brain Doodles in my Heart, AllRightsReserved.

Designed by ScreenWritersArena