Its rainy day today boys and girls!
Im so tamad today.. yesterday, tomorrow. Ano daw? Haha!
Sorry, sabaw. Anyway, maghapon umuulan ngayon (This blog is prepared before
today so if it is not raining today, don’t give me that weird look). I woke up
around 11am na. My night has been weird. Ramdam kong bipolar ako kasi nung
umaga napaka saya ko tas nung hapon depressed na ako. Napaka bilis magbago ng
mood ko. Haha! Basta! Wag na natin pagusapan kung bakit ako nalungkot. Tas yun,
nanggulo ako ng mga kaibigan kong nananahimik. May gusto akong tawagan kaso
busy sya so ayun I texted my friends nalang. (Natulugan ko pa yung isa. Haha!
Baaaad! Ako yung naghahanap ng karamay tas ako nangiwan. Haha!) Ayun, Teka
bakit tayo napunta don? Topic is rainy day nga diba? Im so weird.
Ayun, kaya ako late nagising bukod sa badtrip ako at late
ako natulog ay dahil din napaka sarap matulog. Perfect lang yung temperature
for this bed-weather. Ang sayaaaa! Nakakaaliw matulog ng matulog ng matulog.
Kaso, syempre, kailangan bumangon. Arg. Pero kahit late na ako nagising,
natulog ako ulit nung hapon. Hahaha! (Hello! Im Sleepy, one of Snowhite’s big
monsters. Haha) Nakakatamad kasi. Pati dinner, Im supposed to cook something na
may sabaw pero since Im tamad, I cooked instant noodles nalang Haha! Napaka
tamad! Pero oy ha! Nagprito naman ako bukod sa noodles. Haha! Natatamad lang talaga
ako magtimpla ng soup. :P (palusot!)
Pero bakit kasi ganon no? Bakit nakakatamad pag rainy day?
Ha? Okay sige, bakit nakakatamad din pag napaka init? Yung extreme weathers.
Nakakatamad. Pag sobrang init, kahit ako, natatamad talaga akong kumilos. Nakakainis
magkapawis. Yung paglabas mo ng bathroom, yung mismong kakalabas mo palang,
ramdam mo agad yung init ng paligid. Tas maya maya ng konti pagpapawisan ka na
agad. Nakakainis. (Pasintabi sa mga may mga aircon ang buong bahay, sorry naman
ha? Hahaha!) Tas pag tagulan naman sobrang nakakatamad din. Yun bang ang sarap
sarap sarap matulog. Yung moment na nakakarelate ka sa lahat ng kwento ko
kanina. Haha yun na yun! Bakit ba kasi! Sabihin nyo sakin bakit? Bakit
nakakatamad! ;D
Okay! La kwenta tong blog na to.
Haha! Pero thank you, thank you, thank you ng sobra. Bakit? Kasi andito ka.
Nakikinig ka (Or in this case, binabasa mo) yung mga saloobin ko, yung mga
kalokohan kong madalas wala nang kwenta. J
PS. Hurray! Hindi nagkaron ng
blogging hiatus! ;D Party na? Party? Leggo!
At saka pansin nyo din? Hindi na Random Rant nalang yung Title natin today! ;D Party na!!
-- Thanks for reading! --
Please do follow me on twitter @yelquiamco ;) thankyou!
0 comments:
Post a Comment