Monday, October 29, 2012

Ang Plano


Yow! Wazzap? Haha!


Hello! Ano iblo-blog ko? Haha!

Eto, share nalang ulit.

Para sa hindi nakakaalam, nagparebond ako July this year. Actually, di ko choice. Tita ko may gusto. Ang lamya daw kasi ng  buhok ko, Sabi nya pag pinarebond, mabubuhay daw. Magiging maganda. Tas ang haba na din daw ng buhok ko (hanggang bewang na kasi noon) kaya iiklian daw nya. Ako naman, “oh. Okay. Sige. Bahala kayo.” Haha. Ang lame ng sagot ko no? Wala din kasi akong kaplano plano para sa buhok ko. Hinayaan ko nalang.

Eh ngayon, sobrang natatamad na akong straight sya. Walang kabago-bago. I’ve grown my hair straight and long eversince I was a kid. So, plan ko, next year, magpapakulot salot ako. (Sorry for the term, si Teddy kasi e! haha! Tumatak ng bongga yung kanta ng Rocksteddy sakin.) Basta, papahabain ko to tas papakulot ko. Yan ang plano ko.

Di yung kulot na kinky ha! Hahaha!  Intense masyado yang imagination mo. Yung wavy lang. Yung katulad ng nagagawang curl pag ginagamit mo yung hair iron sa pagkulot. Ganon lang.

Gusto ko din magpakulay ng buhok. Pero tatanggapin ba ako sa hospital pag may kulay ang buhok ko? Eh gusto ko pa naman maging human torch. Hahahaha! Gusto ko RED!!! Favorite color ko blue pero gusto ko talaga ng red  hair. Di yung super red pero basta red. Haha! Ayoko kasi nung usual na kulay kalawang. Basta! Labo. Haha!

Yan ang plano ko, ewan lang if matuloy.  Nextyear pa naman yon e. Meron pa akong ilang months para pagisipan ng husto. Hahaha.



Ayun. By the way masarap pala yung macapuno tart ng Pan de Manila. Hahaha! Yummy! I love it! J Sana may mabilhan ako neto sa Nov 4. May pagbibigyan ako. Hahaha!

-- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco ;) thankyou!

0 comments:

Post a Comment

© As Brain Doodles in my Heart, AllRightsReserved.

Designed by ScreenWritersArena