Sunday, December 23, 2012

FZ

FZ.. short for? Ayokong sabihin baka masaktan ka e :)) Pero pano yung di alam yung meaning nun? Unfair? Sige eto, FRIENDZONE. Yung kung magturingan kayong dalawa parang "kayo" (may tawagan kayo, may lakad kayo na kayong dalawa lang, madalas pa sa madalas kayo magusap either thru phone or personal, nakakapag holding hands kayo, akbayan, yakapan.) pero HINDI KAYO. Iba to dun sa MU (Mutual Understanding) ha! Ang FZ kasi, dahil nga sa kung turingan kayo e parang kayo, e DI NGA KAYO, yung isa nafall na at gustong mag level up na kaso yung isa, FRIENDS LANG DAW TALAGA. Sabi nga ni Mareng Wikipedia, "the "friend zone" refers to a platonic relationship where one person wishes to enter into a romantic relationship, while the other does not." Yan baka mas magets nyo. English e. :))

- Aray naman Yel! ALL CAPS pa talaga? -

Naman! Para dama mo ng buong buo. HINDI KAYO, gusto mo pero AYAW NYA. FRIENDS LANG DAW IH!

Hahaha! brutal?

Seriously, eto na. Hirap nyan ha. Kasi well unang una, mahirap kumilos as a friend sa taong mahal mo. Mahirap pigilan ang selos. Unang una din kasi, wala ka namang karapatan kasi hindi kayo at friends nga lang nga kayo. Pangalawa, for sure kasi may masasaktan sa inyo. At sad to say, madalas, kung sino ang "nahulog" sya ang nasasaktan. Pangatlo, mahirap pumwesto. San ka nga ba lulugar diba? Pangapat, mauuwi lang yan sa "PAASA" at "UMASA".

Eto naman kasi, bakit ba kasi nagkaka-FZ?

Meron kasing nagassume! Assume kasi ng assume. Mahirap yon. Alam ko, ako din mismo madalas mag assume. Pero never ako na-FZ. (okay nagsasalita ako ng tapos! HAHA!) I mean, yun nga oh, nagassume ako pero hindi ako naFZ pero nasaktan ako. Pano pa kaya yung nagassume na, naFZ pa. DOBLENG ARAAAAAAAAAAY!

Eto nalang talaga, mas maganda kung sa umpisa pa lang ng "parang kayo pero di kayo na feeling" eh linawin mo na agad. Walang masama magtanong. Mahirap nga lang i-open up pero isipin mo nalang, pag tinanong mo at MAY FUTURE (meaning positive na may gusto sya sayo at gusto nya din maging kayo), edi ituloy nyo. Goodjob sa inyo. Pag tinanong mo at WALEY, edi good for you. Mapipigilan mo pa sarili mo na lalong ma-fall sa kanya. Wag ka na umasa. Mapapahiya ka konti pero it will save your heart. Di na baleng mapahiya kesa lalong ma-broken hearted. AT pag tinanong mo at ang sabi lang ay "EWAN KO, GUSTO KITA PERO (insert a fudging ilogical epic reason here)" then IWAN MO NA YAN. Without a doubt yan yung taong PAASA lang. Yung may "pero" pa kasi e. Tapos ang idadahilan kesyo mas maganda daw na friends lang kayo?? EEEEEH magisa nalang kaya sya. HAHA

No offense. Payo lang to kapatid, nasayo pa din yan. Pero isipin mo pano ang PUSO mo? Unahin mong mahalin ang sarili mo bago ang ibang tao, I mean, di naman sa magiging selfish ka and narcissistic pero alam mo yon? Mas maganda yung mahal mo sya at mahal mo din ang sarili mo.

Gusto mo pa ng tips pangiwas sa FZ? I found another blog. Here's the link: TEKA!!!! BAGO KA UMALIS SA BLOG KO. Follow me on twitter, usap tayo. you can tweet me anything. :) Wag mo lang ako harasin. :)) --- eto na talaga link: How to escape the FRIENDZONE

Godbless your heart :)

-- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco and follow my group @CKInvasion ;) thankyou!

0 comments:

Post a Comment

© As Brain Doodles in my Heart, AllRightsReserved.

Designed by ScreenWritersArena