Friday, December 14, 2012

Callalista Christmas Party

Hello there friends! Christmas is FAST approaching. Ramdam nyo? Hindi yung panahon ha! Kasi alam ko mainit pa din until now. Geez. I mean yung season? Yung ang dami nang invites for christmas party, ayan na naman problemado na naman sa mga pangexchange gifts lalo na yung may motif! Saklap lang yung, pinagisipan mo ng maigi yung sayo tas yung matatanggap mo, hindi man lang pinaghandaan. Never mind the price, presyo lang yon. Pero sabi nga diba? Its the thought that counts.

Anyway, ayun. Akala ko since wala naman na akong klase (kasi nga graduate na po ako, baka di nyo po alam. HAHA) wala na din akong aatendan na christmas party. Before kasi, sa group namin meron talaga kaming gettogether, christmas party. mageexchange gift kami kahit 12 lang naman kami sa group. tas ayun, magbabonding. Kwentuhan, inuman. Ayun. Buti nalang, nagannounce ang CL na magkakaroon daw ng christmas party. Nabuhayan ako ng loob. Kaso, ang problema ko nalang is kelan naman kaya yon.

Last last week (ata?), nagannounce si Lem na may "Logo making contest" ang mga clans, so habang pinoproblema ko yon, after few days, nagannounce sya bigla na sa DEC11,2012 na daw ang christmas Party namin. Syempre, gulat ako. IM NOT PREPARED e. Haha!

Ayun so may exchange gift daw - SOMETHING FISHY ang motif. I was like, shoot! "ANONG ISDA ANG DADALHIN KO?" HAHA! Kasi naman e. Bakit something fishy? :)) Oh well so no choice. I had to contact my members, formulate a plan then ayun! Dec.11 na.

Mineet ko members ko sa Cubao para makabili kami ng regalo for the boys. Tas derecho na kami ng mono. Infairness, lagi ko talaga nakakakwentuhan yung mga driver ng taxi. Dami ko natutunan kay kuya driver, una na don at hindi ko malilimutan yung salitang, MAGANDANG TAO. Haha nakakaloko lang. :))

Daan pa-mono: (galing dun sa gate) pangalawang kanto, kaliwa, tas kanan, kaliwa, tas makikita mo yung tulay, kanan ulit tas kaliwa. yun na :)

sa freedom wall ng mono bar :)



Anyway so yun nga, nakarating kami dun around 7pm na. Luckily, wala pang nakaupo sa dating pwesto namin nung meeting. :)) yung tabi nung aquarium. Infairness nagiging bestfriends ko na yung mga mono fishes. Haha!

I guess  pagdating namin sakto lang kasi mamaya onti, wala na din upuan yung mga sumunod na dumating. Buti nalang talaga. :))

Anyway, ang dami lang tao. Haha. Siguro mga nasa 50? mga ganun. Kasi kami palang nasa 10 na e, tas yung ibang group pa. More or less nasa 50 lahat ng pumunta. Dinudumog ang boys e! Haha! Papicture dito, papicture doon. Anyway, di mo din naman masisisi. Syempre chance na yon. Walang harang eh, walang sekyu. Tas pagala gala lang yung tatlo. Syempre diba? Yun lang, wala pa si K noon. Nasa ASAP pa. May event something e. Di ko sure kung ano. Pero kung andun na siguro si K noon, baka mas lalong magulo. Haha

Ang hirap din ng ginawa nina Aa,Lem at Tats. Kasi sila na organizer, sila pa yung performers sila pa din yung pinagkakaguluhan. Haha. Kaya i feel them. Thankyou sa kanila at kahit ganun, kahit ang daming nagpapapicture, go pa din. Ineentertain pa din nila :) Kaya sobrang mahal ko yung mga yon.

Yun, nagpagame sila ng "Bring Me" ang walang kamatayang laro na yan. Present yan every party. Children's party, christmas party. Halos lahat! Present yung game na "Bring Me". Haha ang Memorable dun sa game na yun yung sinabi ni Tats na "FOREIGN MONEY". Una akala ko "Coin Money" tas inulit nya, naging "P*RN Money" naman pagkakarinig ko tas ayun. Finally nagets ko na yung "Foreign Money". Haha! Ang isleng nemen kasi! :)) tas ang kulet lang ng mga pizes. :)) Ang CASINO Chocolate! :)) Tas mga biscuits tas mga pouches. :)) Yung mga binili nila sa Divi. :))

Tas nun nagjam na, kainan, habang hinihintay si K. Kantahan lang ng kantahan. Sina Aa minsan yung naggigitara. Minsan yung mga Callalista na mismo. Ang saya lang. Bonding lang talaga sya. Tas after a while, puro party songs na tugtog, sumasayaw na yung iba. Pati si Aa napasayaw na din! Infairness! Super Bass ang sayaw ng Super Bassist ng Callalily! Haha! winner! Up to now, wala pa din ako mahagilap na video ni Aa non pero alam ko may nagvideo non. :))

Super kulit lang ng boys, although si Tats medyo natahimik na sa upuan. Napagod siguro sa mini concert nya? Haha! Kumanta kasi sya. Tas habang nung kumakanta sya, sabi ni Sir Dar: "Parang ang sarap mag major concert next year ah! Kaya ba nating punuin ang Music Museum?" Tas non, hiyawan na. Sobrang saya! :)) Saya kahit may nakakalimutan na lyrics si Tats, at kahit sariling sulat nya yung nakakalimutan nya, nakaka amuse actually. Haha. I mean lam mo yon. Kita mo kasing ang genuine lang. :) Buti nalang nakapagpaFS kami kay Tats bago sya umupo. :)) Buti nalang talaga.

Si Lem din kumanta, pansamantala, tsaka stars. yun lang naaalala kong kinanta nya. :)) Super aliw. Habang finifeel ko yung music, etong mga members at friends ko. Bigla biglang mag, "Nice one ate yel!" Haha! Kumanta lang nice one agad? Haha! Pero mahal ko kayo guys. Sige na nga. Oo, love ko din si Lem. Lahat ng Callalily boys mahal ko. :) Kahit nung nagpapicture ako kay Lem, may nice one pa din. :)) Kaloka.

Ayun, tas mga 12midnight na nakarating si K. Ayun, pagdating nya, dinumog agad! HAha! Nakakatawa nga e. Kasi Konting lakad ni K, may haharang magpapapicture tas dudumugin ulit. Maya maya, maglalakad ulit sya, may susunod ulit sa kanya, magpapapicture matitigil na naman sya. Tas mamaya ganun ulit. Haha! Never naubusan ng tao sa tabi ni K. Seryoso. Haha! Dami nagpapapicture. In demand e! haha!

Ayun, actually di na namin natapos yung party kahit na 2am na kami umalis. Pagalis nga namin dami pa din tao, nagsimula kaming nagpaalam kay Mr.A, Aaron Paul the adorable. Tinanong pa nga nya ako kung alam ko daw ba pauwe, natigilan ako sabay sabi "Malalaman din namin yon." Haha, anyway ang kulit kasi nya magdamag. Sabagay, nakainom na din. Meron nga ako nabasa (sa twitter ata) na pagdating ni K, tinanong nya si Tats asan daw si Aa, tas sabi ni Tats, "Ayun baliw na". Haha! Kaaliw. Basta, AAron's night yun. Sobrang pinasaya nya gabi ko. :)) Naku! basta, nung gabi na yon (or umaga) sobrang naappreciate ko kung bakit mahal na mahal nila ate Pox si Aa. Sobrang naaappreciate ko si Aa nun. Sobra sobra. Favorite picture ko yung picture namin together na kaming dalawa lang :) After magpaalam, nagpapicture as a group with him. Hay nako. I love you Aa. :))

Tas nagpaalam ako kay Tats, hinawakan ko sya sa likod nya e kaso may kausap, so nilagpasan ko nalang, nahiya din kasi ako. Tas since andun na din si ate buena, nagpaalam na din ako kay ate. Tas napatingin si Lem kasi magkakatabi sila sa table. Nagpaalam na din ako kay Lem, saka tumingin si Tats, Kaya ayun nakapagpaalam din kami. Haha. Di na kami nakapagpapicture as a group kina Lem at Tats, nakaupo na kasi sila tas halatang pagod na. Ayoko din kasi ng nangiistorbo. Ayoko na sana magpaalam umuwe kaso baka naman sabihin, derederecho nalang kami umuwe. Kaya aun. :))

Tas after magpaalam sa ibang clans na kilala ko, lumabas na din kami. Paglabas namin, nakita namin si K na may maliit na crowd na nakapaligid Haha! Natawa ako kasi super di talaga napagisa si K simula nung dumating sya. :)) Nilapitan namin tas saka ako nagsabi na "Kean, uwe na kami." Tas ayun, sabi nya, "Uwe na kayo? Kakarating ko lang." E gusto man namin magstay, umaga na kasi, medyo inaantok na din ako. Pati si joan :)) Kaya ayun. After magbigay ng gift, nagpapicture na kami as a group. Nung paalis na kami, akala ko sasabay pa samin yung isang member, kaya hinihintay namin. Kaya etong ibang kasama ko sigaw ng sigaw ng "Kean I love you!" Haha! kaloka lang. di ko sila kilala. JOKE! haha! nakakatawa actually. Ang kulit lang :)) Sabi pa ni K magtweet daw kami pag nakauwe na kami. Oh well. edi tweet! :))

Paguwe, super saya ko pa din. Mga 3am ata kami nakarating sa bahay. Masaya kasi una, di ako pinagalitan. Haha Sabagay, legal age naman na kasi, un lang di mo maaalis kay Dad na magalala. :)) Tas okay lang pala dalhin yung redwine. seyeng. haha okay lang. Di din naman bagay sa food yung red wine :)) tas basta ang saya. Si Aa nasa isip ko magdamag. Mas nakilala ko kasi sya non. Different side ni Aa yung nakita ko. Kaya ayun super saya lang :))

May tawag na din ako sa tatlo. Una si K, ang nagiisang ULTIMATE CRUSH at BOSS ko. Si Lem, s SIR CHEF my love, at si Aa, my one and only Mr.A or MR.ADORABLE. :)) Si tatsi nalang. :)) ill know you better soon tats :)) may nickname na din ako for you soon! :))

Oh well, sana naappreciate nila yung gift namin. Neck pillow kasi gift namin for them, color yellow green, sabi kasi ng mga members ko, flower power daw. :)) Sana magamit nila or kung hidni man sana maitago nila :)

Btw, i failed to mention na nung nagpapalitan na ng exchange gifts, pinagform kasi kami ng bilog, tas at the count of 7 nagpalitan ng gifts, pasahan kumbaga. Napunta kay Tatsi yung regalo ko! OMG! Okay lang sana kaso pambabae kasi halos yung nasa box! :)) Oh my! Sorry Tats! sana naappreciate mo pa din yun. :))

MERRY CHRISTMAS everyone! enjoy the season because its a season of LOVE and SELFGIVING. :) Love you all!

Ps. Sorry if di na ako madalas magblog. :)) bawi ako :))

- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco and follow my group @CKInvasion ;) thankyou!

0 comments:

Post a Comment

© As Brain Doodles in my Heart, AllRightsReserved.

Designed by ScreenWritersArena