Tuesday, December 25, 2012

MERRY CHRISTMAS!

Merry Christmas boys and girls! :D

Tapos na ba kayo magbigayan ng regalo? At ang IMPORTANTE, nakapagsimba na ba kayo? Baka simbang chuchu lang ah! yung tipong di naman nakikinig, andun lang sa simbahan para masabihang nagsimba. Ayy! bad yan! Magsimba ka ulit. Yung taos puso. Remember, nakikita ni God yung intentions mo kahit di mo sabihin at kahit ikubli mo :)

Teka may isheshare ako. Nafeel nyo ba minsan na mas enjoy yung paghihintay ng 12midnight ng christmas kesa sa mismong araw ng 25? Ewan, feel ko kasi ganun minsan. Masnagsasaya pa kami ng 12midnight, tapos kakain kwentuhan tas mamaya matutulog na kesa paggising, punta sa mga kamaganak para mamasko. Mas feel ko yung bonding ng 12midnight. Kasi family talaga e. Yun talaga boding ng family. Ewan lang sa inyo ha? Samin kasi ganun ako. :)) Mas madami events ng 12midnight kesa nung mismong araw ng 25. Siguro kasi napagod na mga tao nung noche buena. HAHAHA! Sarey! Sabi sa inyo di ako perfect :)) Okay shatap na sakin :))

Basta laging tandaan na ang Christmas kung talagang titignan ay wala naman talaga sa relihiyon. Kasi ang tunay na diwa neto ay pagbibigayan ng TAOS PUSO, hinid yung dahil pasko kaya ka magbibigay. Magbibigay ka kasi gusto mo syang mapasaya ganun yun, at syempre PAGMAMAHALAN. Lets all spread #PeaceandLove mga kapatid!

PS: Please take time to pray and thank God for EVERYTHING. Yes, everything. Pati problema, ipagpasalamat mo. Dahil jan sa problemang yan, naging mas matatag ka. :)

IMPORTANT:
I love you all!


-- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco and follow my group @CKInvasion ;) thankyou!
Read More

Monday, December 24, 2012

My Holiday Vacation

Hello there boys and girls :">

Ayun! :)) Kamusta kayo? Bisperas na ng pasko! :)) Advance Merry Christmas my friends!

Pano nyo icecelebrate ang pasko nyo? Ako kasi eversince my mom passed away, dun na kami sa bahay ng uncle/lolo (kasi kapatid sya ng mother ng dad ko pero tito tawag ko) nagpapasko. Bakit? Kasi unang una, wala kaming ihahanda ng pasko, HAHAHA oo marunong ako magluto pero stressful kasi at saka malungkot sa bahay nang kaming apat lang so ayun kaya nagpupunta kami sa kanila.

So actually yung activities namin depende sa trip nila tito ko. Last year nanood kami ng movie out of nowhere, may malapit kasing mall sa bahay nila. Tas pag gabi depende kung ayos/working yung "magic sing" nagkakantahan kami while waiting for 12midnight :))

Ayun, tas kinabukasan, Dec.25 madalas nagsisimba kami. Syempre, bday yun ni Papa Jesus e. :) Tas usually yung relatives namin nagpupunta din dun sa bahay ni tito, tas kwentuhan, bonding lang tsaka ayun. We usually dine together :)

Dun kami sa tito ko hanggang mag new year's eve. Actually mas madaming relatives ang nagpupunta kina tito pag new year's eve. Kasi parang bday o something something yun ng lola nila e. So ayun, pagdating ng 31, sama sama kami.

Ayun ang holiday ko. HAHA This week Im planning to meet few friends na malapit sa area, Magbabonding lang HAHA! Dadalaw sa bahay nina ___. JOOOOOOKE!! hahahaha! Basta bonding lang :)). Tapos may pinapaayos si tita ko (kapatid ni dad nabased sa Abu Dhabi) na papers so Im expecting na magiging busy ako. HAHA! I have to fix it this week na kasi by nextweek, January 4, preorientation ko na sa hospital :)) YEY! Ill be productive na! HAHAHA! Ill be working as a staff nurse sa isang hospital kaya ayun! :) Allowance lang sya actually kasi RN Heals sya under e. Tas few benefits like SSS. Okay na din kesa tambay diba? Kaya ayan :) Sana kasya yung allowance pang gig! HAHAHA! Yun pala yun e noh? :))

So ayun! yan ang view ko sa magiging holiday vacation ko. Medyo busy, sabagay petiks naman na ako for how many months so okay lang. Nakakapanibago lang :)) hahaha! Please pray for me guys! Lets do this! Simulan natin tong Pasko ng masaya. :)

-- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco and follow my group @CKInvasion ;) thankyou!
Read More

Sunday, December 23, 2012

FZ

FZ.. short for? Ayokong sabihin baka masaktan ka e :)) Pero pano yung di alam yung meaning nun? Unfair? Sige eto, FRIENDZONE. Yung kung magturingan kayong dalawa parang "kayo" (may tawagan kayo, may lakad kayo na kayong dalawa lang, madalas pa sa madalas kayo magusap either thru phone or personal, nakakapag holding hands kayo, akbayan, yakapan.) pero HINDI KAYO. Iba to dun sa MU (Mutual Understanding) ha! Ang FZ kasi, dahil nga sa kung turingan kayo e parang kayo, e DI NGA KAYO, yung isa nafall na at gustong mag level up na kaso yung isa, FRIENDS LANG DAW TALAGA. Sabi nga ni Mareng Wikipedia, "the "friend zone" refers to a platonic relationship where one person wishes to enter into a romantic relationship, while the other does not." Yan baka mas magets nyo. English e. :))

- Aray naman Yel! ALL CAPS pa talaga? -

Naman! Para dama mo ng buong buo. HINDI KAYO, gusto mo pero AYAW NYA. FRIENDS LANG DAW IH!

Hahaha! brutal?

Seriously, eto na. Hirap nyan ha. Kasi well unang una, mahirap kumilos as a friend sa taong mahal mo. Mahirap pigilan ang selos. Unang una din kasi, wala ka namang karapatan kasi hindi kayo at friends nga lang nga kayo. Pangalawa, for sure kasi may masasaktan sa inyo. At sad to say, madalas, kung sino ang "nahulog" sya ang nasasaktan. Pangatlo, mahirap pumwesto. San ka nga ba lulugar diba? Pangapat, mauuwi lang yan sa "PAASA" at "UMASA".

Eto naman kasi, bakit ba kasi nagkaka-FZ?

Meron kasing nagassume! Assume kasi ng assume. Mahirap yon. Alam ko, ako din mismo madalas mag assume. Pero never ako na-FZ. (okay nagsasalita ako ng tapos! HAHA!) I mean, yun nga oh, nagassume ako pero hindi ako naFZ pero nasaktan ako. Pano pa kaya yung nagassume na, naFZ pa. DOBLENG ARAAAAAAAAAAY!

Eto nalang talaga, mas maganda kung sa umpisa pa lang ng "parang kayo pero di kayo na feeling" eh linawin mo na agad. Walang masama magtanong. Mahirap nga lang i-open up pero isipin mo nalang, pag tinanong mo at MAY FUTURE (meaning positive na may gusto sya sayo at gusto nya din maging kayo), edi ituloy nyo. Goodjob sa inyo. Pag tinanong mo at WALEY, edi good for you. Mapipigilan mo pa sarili mo na lalong ma-fall sa kanya. Wag ka na umasa. Mapapahiya ka konti pero it will save your heart. Di na baleng mapahiya kesa lalong ma-broken hearted. AT pag tinanong mo at ang sabi lang ay "EWAN KO, GUSTO KITA PERO (insert a fudging ilogical epic reason here)" then IWAN MO NA YAN. Without a doubt yan yung taong PAASA lang. Yung may "pero" pa kasi e. Tapos ang idadahilan kesyo mas maganda daw na friends lang kayo?? EEEEEH magisa nalang kaya sya. HAHA

No offense. Payo lang to kapatid, nasayo pa din yan. Pero isipin mo pano ang PUSO mo? Unahin mong mahalin ang sarili mo bago ang ibang tao, I mean, di naman sa magiging selfish ka and narcissistic pero alam mo yon? Mas maganda yung mahal mo sya at mahal mo din ang sarili mo.

Gusto mo pa ng tips pangiwas sa FZ? I found another blog. Here's the link: TEKA!!!! BAGO KA UMALIS SA BLOG KO. Follow me on twitter, usap tayo. you can tweet me anything. :) Wag mo lang ako harasin. :)) --- eto na talaga link: How to escape the FRIENDZONE

Godbless your heart :)

-- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco and follow my group @CKInvasion ;) thankyou!
Read More

Saturday, December 22, 2012

End of the world DAW!



Hooray! Buhay tayo! HAHA!

Actually no questions about it. I mean if you have a strong faith to God and a strong relationship with Him, even if that rumor is true, you ABSOLUTELY dont have the right to be worried. Got me? Good.

Okay, here. So I was actually online last night (Dec. 20, 2012) without me consciously aware of the date. So I was staying up late, tweeting and watching videos from youtube.com (I was watching videos of Chef Gordon Ramsay-- if you dont know him, believe me! you better start searching for him over the internet.) then suddenly I was caught by tweets saying things about the so-called "doomsday". I was like, "Yeah right. yan din sabi nyo nung year 2000 e. Nagunaw ba mundo nun?"

Sus! Dami dami nyong alam! Meron pa, kaya daw magugunaw mundo kasi yung ginawang Calendar ng mga Mayans natapos ng Dec.21, 2012. Sus malay nyo tinamad na sila kaya di na nila tinapos! HAHA! Oh kaya wala nang space dun sa calendar na ginagawa nila. :)) diba? Kasi kayo assume agad magugunaw na mundo. ANG TANGING MAGIGING DAHILAN LANG NG PAGGUNAW NG MUNDO ay kapag tayo mismong mga tao ang sumira neto. diba? may sense.

Isa pa, magugunaw daw mundo kasi tong si Nostradamus, hinulaan nya na magugunaw mundo kapag.. basta! may "horse" tas "9circles". Eto namang mga to, kinonek agad sa GANGNAM STYLE. Pag daw umabot ng 1B views yung music video magugunaw na daw mundo kasi may 9 na zero daw tas may dancestep na parang nakasakay sa kabayo. Naks! Ang bright bright! HAHAHA! Akalain mo naisip nila yun! :)) Bibo kid! Malay nyo iba ibig sabihin ni Nostradamus non. Kayo talaga. O baka trip lang ni Nostradamus na ilagay yun dun. Malay nyo ibang "end" ang tinutukoy nya. Kayo kasi. Assume agad. Parang sa lovelife lang din yan. Wag magaassume! Hangga't di direktang sinasabi. Magtanong muna bago mag assume! O may nagtanong ulit, pano daw niya tatanungin si Nostradamus e dedbols na si Pareng N. Bright talaga! :)) HAHAHA! (oh well, ako madaming alam. haha ikonek ko ba naman to sa lovelife. HAHAHA! ako nang bright! i knew it! haha joke lang haha)

Scientifically, matagal pa daw end of the world. yun medyo naniniwala pa ako. Mapapabilis lang pag sinira natin lalo kalikasan.

Biblical-ly, wala daw nakakaalam kelan magugunaw ang mundo, kungdi tanging ang Dyos, Ama. - Dun! Dun ako mas naniniwala higit sa lahat.

Tiwala lang mga kapatid. Kapit! Wag sa patalim ha! Kapit lang sa pananampalataya. Kung anu mang relihiyon kayo, Muslim, Kristiyano, Katoliko o kung anu pa man. Laging isipin na never tayo papabayaan ng ating Maylikha.

He loves you. Trust Him. His plans are ALWAYS PERFECT.

Ikaw! Magdiwang ka! Buhay ka pa ngayon at nakakapagbasa ng blog ko. Dec 22, 2012 na oh! Sana isipin mong gumawa ng mabuti. Katulad ng pag follow sakin sa twitter! @yelquiamco nga pala. HAHAHA Ganda ng segway no? :))

Wag "doomsday" isipin nyo. Mas isipin nyo yung paskong darating. :) at ang regalong ihahatid nyo sa akin. HAHAHAHA!

Advance Merry Christmas my dear boys and girls! I love you!



-- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco and follow my group @CKInvasion ;) thankyou!
Read More

Friday, December 14, 2012

Pictures from Callalista Christmas Party




Binukod ko from the blog itself kasi medyo magtatagal magload to. :)) Sorry! Pero i still hope maappreciate nyo :)

No patience loading these? visit facebook.com/ckinvasion andun po lahat ng pictures. :) ni'repost ko lang dito :)

#CallalistaChristmasParty held last Dec 11, 2012 :)

~super saya lang kasi i welcomed 12.12.12 with my boys :)
after namin bumili ng gift for the boys :) picture picture! :)

artwork ni Tatsi :))
ang mga callalistang nageenjoy :)

ang mono bar nung medyo maaga pa :))
During the "Bring Me" game :))
jamming with a 3 piece Callalily, Tatsi on vocals :)
(wala pa kasi si K)
mini concert ni Tatsi :))
(natabunan si Aa sa likod haha)

exchange gift :)
(Ang saya ni Lem no? HAHA)
with our fellow admins :)
(me, Rachel of CaviteFlower, Ivy and Ef of Aclan and Rhesel my coadmin)
me and ate pox, admin of AaronPol

papicture sa freedom wall with members
(Juliet, April, my bs Rebeca and me!)

sulat sulat din sa freedom wall :))
Si Aa yung naka black tas nakatalikod :)) party party Aa! Sayaw lang ng sayaw!
Ayun si K! Dinudumog! :))
with my members

wacky nga yan. maniwala kayo :))

with Aa :) super sweet and adorable

with K :) hawak pa nya gift namin for him :))

ang mono bar, bow :))


my my sir chef :))

invadees with Aa :)

K with invadees


my top1 MOST FAVORITE PIC of that night :)
With my mr.A

mga bestfriends ko nga pala. ang mono fishes :))
sorry ha? busy sila kakabasa nung nakasulat sa notebook ko :)) 
my top 2 MOST FAVORITE PIC of that night. :)) sarap ikiss ni Aa oh! HAHAHA!

ayun! Haha! for more pictures visit our page: facebook.com/ckinvasion paki like na din para updated kayo sa mga new pictures :) thankyou!!



-- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco and follow my group @CKInvasion ;) thankyou!
Read More

Callalista Christmas Party

Hello there friends! Christmas is FAST approaching. Ramdam nyo? Hindi yung panahon ha! Kasi alam ko mainit pa din until now. Geez. I mean yung season? Yung ang dami nang invites for christmas party, ayan na naman problemado na naman sa mga pangexchange gifts lalo na yung may motif! Saklap lang yung, pinagisipan mo ng maigi yung sayo tas yung matatanggap mo, hindi man lang pinaghandaan. Never mind the price, presyo lang yon. Pero sabi nga diba? Its the thought that counts.

Anyway, ayun. Akala ko since wala naman na akong klase (kasi nga graduate na po ako, baka di nyo po alam. HAHA) wala na din akong aatendan na christmas party. Before kasi, sa group namin meron talaga kaming gettogether, christmas party. mageexchange gift kami kahit 12 lang naman kami sa group. tas ayun, magbabonding. Kwentuhan, inuman. Ayun. Buti nalang, nagannounce ang CL na magkakaroon daw ng christmas party. Nabuhayan ako ng loob. Kaso, ang problema ko nalang is kelan naman kaya yon.

Last last week (ata?), nagannounce si Lem na may "Logo making contest" ang mga clans, so habang pinoproblema ko yon, after few days, nagannounce sya bigla na sa DEC11,2012 na daw ang christmas Party namin. Syempre, gulat ako. IM NOT PREPARED e. Haha!

Ayun so may exchange gift daw - SOMETHING FISHY ang motif. I was like, shoot! "ANONG ISDA ANG DADALHIN KO?" HAHA! Kasi naman e. Bakit something fishy? :)) Oh well so no choice. I had to contact my members, formulate a plan then ayun! Dec.11 na.

Mineet ko members ko sa Cubao para makabili kami ng regalo for the boys. Tas derecho na kami ng mono. Infairness, lagi ko talaga nakakakwentuhan yung mga driver ng taxi. Dami ko natutunan kay kuya driver, una na don at hindi ko malilimutan yung salitang, MAGANDANG TAO. Haha nakakaloko lang. :))

Daan pa-mono: (galing dun sa gate) pangalawang kanto, kaliwa, tas kanan, kaliwa, tas makikita mo yung tulay, kanan ulit tas kaliwa. yun na :)

sa freedom wall ng mono bar :)



Anyway so yun nga, nakarating kami dun around 7pm na. Luckily, wala pang nakaupo sa dating pwesto namin nung meeting. :)) yung tabi nung aquarium. Infairness nagiging bestfriends ko na yung mga mono fishes. Haha!

I guess  pagdating namin sakto lang kasi mamaya onti, wala na din upuan yung mga sumunod na dumating. Buti nalang talaga. :))

Anyway, ang dami lang tao. Haha. Siguro mga nasa 50? mga ganun. Kasi kami palang nasa 10 na e, tas yung ibang group pa. More or less nasa 50 lahat ng pumunta. Dinudumog ang boys e! Haha! Papicture dito, papicture doon. Anyway, di mo din naman masisisi. Syempre chance na yon. Walang harang eh, walang sekyu. Tas pagala gala lang yung tatlo. Syempre diba? Yun lang, wala pa si K noon. Nasa ASAP pa. May event something e. Di ko sure kung ano. Pero kung andun na siguro si K noon, baka mas lalong magulo. Haha

Ang hirap din ng ginawa nina Aa,Lem at Tats. Kasi sila na organizer, sila pa yung performers sila pa din yung pinagkakaguluhan. Haha. Kaya i feel them. Thankyou sa kanila at kahit ganun, kahit ang daming nagpapapicture, go pa din. Ineentertain pa din nila :) Kaya sobrang mahal ko yung mga yon.

Yun, nagpagame sila ng "Bring Me" ang walang kamatayang laro na yan. Present yan every party. Children's party, christmas party. Halos lahat! Present yung game na "Bring Me". Haha ang Memorable dun sa game na yun yung sinabi ni Tats na "FOREIGN MONEY". Una akala ko "Coin Money" tas inulit nya, naging "P*RN Money" naman pagkakarinig ko tas ayun. Finally nagets ko na yung "Foreign Money". Haha! Ang isleng nemen kasi! :)) tas ang kulet lang ng mga pizes. :)) Ang CASINO Chocolate! :)) Tas mga biscuits tas mga pouches. :)) Yung mga binili nila sa Divi. :))

Tas nun nagjam na, kainan, habang hinihintay si K. Kantahan lang ng kantahan. Sina Aa minsan yung naggigitara. Minsan yung mga Callalista na mismo. Ang saya lang. Bonding lang talaga sya. Tas after a while, puro party songs na tugtog, sumasayaw na yung iba. Pati si Aa napasayaw na din! Infairness! Super Bass ang sayaw ng Super Bassist ng Callalily! Haha! winner! Up to now, wala pa din ako mahagilap na video ni Aa non pero alam ko may nagvideo non. :))

Super kulit lang ng boys, although si Tats medyo natahimik na sa upuan. Napagod siguro sa mini concert nya? Haha! Kumanta kasi sya. Tas habang nung kumakanta sya, sabi ni Sir Dar: "Parang ang sarap mag major concert next year ah! Kaya ba nating punuin ang Music Museum?" Tas non, hiyawan na. Sobrang saya! :)) Saya kahit may nakakalimutan na lyrics si Tats, at kahit sariling sulat nya yung nakakalimutan nya, nakaka amuse actually. Haha. I mean lam mo yon. Kita mo kasing ang genuine lang. :) Buti nalang nakapagpaFS kami kay Tats bago sya umupo. :)) Buti nalang talaga.

Si Lem din kumanta, pansamantala, tsaka stars. yun lang naaalala kong kinanta nya. :)) Super aliw. Habang finifeel ko yung music, etong mga members at friends ko. Bigla biglang mag, "Nice one ate yel!" Haha! Kumanta lang nice one agad? Haha! Pero mahal ko kayo guys. Sige na nga. Oo, love ko din si Lem. Lahat ng Callalily boys mahal ko. :) Kahit nung nagpapicture ako kay Lem, may nice one pa din. :)) Kaloka.

Ayun, tas mga 12midnight na nakarating si K. Ayun, pagdating nya, dinumog agad! HAha! Nakakatawa nga e. Kasi Konting lakad ni K, may haharang magpapapicture tas dudumugin ulit. Maya maya, maglalakad ulit sya, may susunod ulit sa kanya, magpapapicture matitigil na naman sya. Tas mamaya ganun ulit. Haha! Never naubusan ng tao sa tabi ni K. Seryoso. Haha! Dami nagpapapicture. In demand e! haha!

Ayun, actually di na namin natapos yung party kahit na 2am na kami umalis. Pagalis nga namin dami pa din tao, nagsimula kaming nagpaalam kay Mr.A, Aaron Paul the adorable. Tinanong pa nga nya ako kung alam ko daw ba pauwe, natigilan ako sabay sabi "Malalaman din namin yon." Haha, anyway ang kulit kasi nya magdamag. Sabagay, nakainom na din. Meron nga ako nabasa (sa twitter ata) na pagdating ni K, tinanong nya si Tats asan daw si Aa, tas sabi ni Tats, "Ayun baliw na". Haha! Kaaliw. Basta, AAron's night yun. Sobrang pinasaya nya gabi ko. :)) Naku! basta, nung gabi na yon (or umaga) sobrang naappreciate ko kung bakit mahal na mahal nila ate Pox si Aa. Sobrang naaappreciate ko si Aa nun. Sobra sobra. Favorite picture ko yung picture namin together na kaming dalawa lang :) After magpaalam, nagpapicture as a group with him. Hay nako. I love you Aa. :))

Tas nagpaalam ako kay Tats, hinawakan ko sya sa likod nya e kaso may kausap, so nilagpasan ko nalang, nahiya din kasi ako. Tas since andun na din si ate buena, nagpaalam na din ako kay ate. Tas napatingin si Lem kasi magkakatabi sila sa table. Nagpaalam na din ako kay Lem, saka tumingin si Tats, Kaya ayun nakapagpaalam din kami. Haha. Di na kami nakapagpapicture as a group kina Lem at Tats, nakaupo na kasi sila tas halatang pagod na. Ayoko din kasi ng nangiistorbo. Ayoko na sana magpaalam umuwe kaso baka naman sabihin, derederecho nalang kami umuwe. Kaya aun. :))

Tas after magpaalam sa ibang clans na kilala ko, lumabas na din kami. Paglabas namin, nakita namin si K na may maliit na crowd na nakapaligid Haha! Natawa ako kasi super di talaga napagisa si K simula nung dumating sya. :)) Nilapitan namin tas saka ako nagsabi na "Kean, uwe na kami." Tas ayun, sabi nya, "Uwe na kayo? Kakarating ko lang." E gusto man namin magstay, umaga na kasi, medyo inaantok na din ako. Pati si joan :)) Kaya ayun. After magbigay ng gift, nagpapicture na kami as a group. Nung paalis na kami, akala ko sasabay pa samin yung isang member, kaya hinihintay namin. Kaya etong ibang kasama ko sigaw ng sigaw ng "Kean I love you!" Haha! kaloka lang. di ko sila kilala. JOKE! haha! nakakatawa actually. Ang kulit lang :)) Sabi pa ni K magtweet daw kami pag nakauwe na kami. Oh well. edi tweet! :))

Paguwe, super saya ko pa din. Mga 3am ata kami nakarating sa bahay. Masaya kasi una, di ako pinagalitan. Haha Sabagay, legal age naman na kasi, un lang di mo maaalis kay Dad na magalala. :)) Tas okay lang pala dalhin yung redwine. seyeng. haha okay lang. Di din naman bagay sa food yung red wine :)) tas basta ang saya. Si Aa nasa isip ko magdamag. Mas nakilala ko kasi sya non. Different side ni Aa yung nakita ko. Kaya ayun super saya lang :))

May tawag na din ako sa tatlo. Una si K, ang nagiisang ULTIMATE CRUSH at BOSS ko. Si Lem, s SIR CHEF my love, at si Aa, my one and only Mr.A or MR.ADORABLE. :)) Si tatsi nalang. :)) ill know you better soon tats :)) may nickname na din ako for you soon! :))

Oh well, sana naappreciate nila yung gift namin. Neck pillow kasi gift namin for them, color yellow green, sabi kasi ng mga members ko, flower power daw. :)) Sana magamit nila or kung hidni man sana maitago nila :)

Btw, i failed to mention na nung nagpapalitan na ng exchange gifts, pinagform kasi kami ng bilog, tas at the count of 7 nagpalitan ng gifts, pasahan kumbaga. Napunta kay Tatsi yung regalo ko! OMG! Okay lang sana kaso pambabae kasi halos yung nasa box! :)) Oh my! Sorry Tats! sana naappreciate mo pa din yun. :))

MERRY CHRISTMAS everyone! enjoy the season because its a season of LOVE and SELFGIVING. :) Love you all!

Ps. Sorry if di na ako madalas magblog. :)) bawi ako :))

- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco and follow my group @CKInvasion ;) thankyou!
Read More

Tuesday, December 4, 2012

Calla-Lily Family

Hey yah! I miss having a dog at home, LOL easy! I know, ive discussed this before. pero wala lang. gusto ko lang ulit magshare.

Last night I came up with names.

I shall have a male and female siberian husky! :) I shall name the male as "Calla" then "Lily" yung female. tas pag nagka puppies sila, I shall name them, "Yankee", "Muelle", "Ronaa", and "Drewan". :"> tas they will be a family. i love it. HAHAHA!

Oh gosh Im becoming dreamy again :)) forgive me will you? :)

lovely right? :)) ohhh! gusto ko talaga! :)) I can imagine them already! :))
*photo not mine, credit goes to the owner*


And since you're here, please vote for "Callalily/Calla lily" as the favorite band/ group at the Netizens Choice Award here: lionheartv.net/2012/11/final-poll-netizens-choice-awards-for_24.html

Tas vote for Pasasalamat by Callalily here: myxph.com

done? thankyou. I love you.


-- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco and follow my group @CKInvasion ;) thankyou!
Read More

Monday, December 3, 2012

The ordinary extraordinary part1

There was this ordinary girl living her life the ordinary way. Enjoying life as if it was her who made it. Loving it as if there was nothing to hate about it. She just lived it as happy as she could and as ordinary as anyone could have.

Her name was Jamee.

Although living it happily, life wasn't that perfect for her. She had a couple of heartbreaks. Lost a parent the moment when she needed it the most. Fooled by the guy she trusted her heart with. Disregarded by siblings she leaned on. Back-stabbed by people she thought were her real friends.

But above those, she just stood head up high. Weak she can be at times, but never did she gave up.

"Bakit ako susuko? May maganda bang maidudulot pag sinuko ko? Magiging maayos ba pag sumuko ako? It will only make things worse. God wouldn't give me something I cannot manage." she reasoned while looking at the children from afar. They were in a park.

"Pero friend! Hirap non ha? Imagine, kung ako yon, kung ako nakaranas non baka naloka na ako." Christina uttered. Christina is her college friend. They were seatmates since 3rd year so it was not a question why they became close. Christina is one of those whom she can really say were her real friends.

"Yun nga, di ka nagkaron ng ganong experience kasi di mo kaya. God knew you will not be able to handle it." she replied

"Whatever, I still salute you. Tapang mo."

"But never as brave as me!" said by a cheerful voice originating from their back. They looked at the voice's owner.

"Danika!" Jamee called. Danika is one of their closest college friends.

"Loka! Iba naman yung tapang mo eh! Nangaaway ka kaya!" Christina uttered as she stood up to give Danika a hug. "I missed you Danika! Where have you been?"

"Sorry girls, been busy with requirements. Kamusta na kayo? Usapang maalaala mo kaya na naman ba ito?" Danika

"Si Christina kasi.." Jamee

"Ako na naman. Napagusapan lang naman yon. Spur of the moment." Christina defended

"Whatever, eto. Kaya ako nandito. Yayayain ko kasi sana kayo sa birthday celebration ko. Remember? Im turning 21 na." Danika

"21 ka na eh bakit may party pa? Lalaki ka? 21 years old nagdedebut?" Jamee said holding back laughter as she can

"Kailangan ba may debut bago mag party?" Danika said laughing

"Saan ba gaganapin yan?" Christina asked

"8pm sharp sa sabado. Sa bahay lang. Be there in a semi formal attire, mga cocktail dresses ganun. And bring extra clothes. Dun na kayo matulog samin." Danika

"Aba. Dapat dun matulog?" Christina protested

"Wag ka nga Christina, batas yan. Bawal baliin. Dictatorship yan eh." Jamee said while laughing

"Basta ha! 8pm sharp. Oh pano, alis na ako. See you this saturday girls!" Danika said as she stands up.

"Binigyan pa nya tayo ng problema. Anong susuotin natin?" Jamee asked Christina while looking at Danika's figure that's slowly fading from afar.

"Christina?" Jamee asked as she look at Christina

But Christina just kept staring at Jamee. Then an idea popped in her mind. She just smiled.

"Akong bahala sa'yo." Christina said without breaking her stare to Jamee.

"Kinakabahan ako sa pinaplano mo." Jamee said while looking nervously at Christina.

***************************to be continued**************************

LOL sorry. spur of the moment napagtripan ko gumawa ng story. im not the best writer pero well, blog ko to e :))

"I write to express not to impress pero your comments are very much appreciated. just tweet me! @yelquiamco" keepsafe.

-- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco and follow my group @CKInvasion ;) thankyou!
Read More

Sunday, December 2, 2012

CK Invasion Mini Game Part 2


Hello there Invadees!

READ THIS CAREFULLY

Here's your final reminder. Please keep in mind the MECHANICS before sending in your answers. PLEASE INCLUDE your COMPLETE name and your contact number.

*send your answer in an email only once.
*please use the allotted subject.

--scroll down for the questions--


















































































































QUESTIONS:

1.a. TITLE of the 4 ALBUMS recorded and released by Callalily with corresponding year (IN ORDER)
  b. LAST "person/name" na pinasalamatan for the 4th album

2. Birthdays ng mga member ng Callalily + ZODIAC Signs (Month,day, year - zodiac sign)

3.a. Create a simple diagram showing the CORRECT FLOW OF INFORMATION between Callalily and callalistas. (complete the figure below)


Soupstar (Sir _?_) <---> __?__ Master (_?_) <---> __?__ Master (YEL) <---> Members (CK Invasion Members)

   b. Purpose Statement of Clans


Goodluck!!!
PLEASE follow the mechanics!
**************************end*****************************



-- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco and follow my group @CKInvasion ;) thankyou!


Read More

Saturday, December 1, 2012

The Call

Hello! :)

My fangirl mode is always on. :)) Ewan if kelan ako mawawalan ng gana, pero I hope never. :) Kasi with this kind of appreciation from the boys, pano ka magsasawa? :))

anyway, share lang.

Last time, nag out ako sa twitter using desktop kasi ng naexpire na si unlisurf. :( Anyway so yun nga, so I checked twitter from time to time thru my phone, and to my suprise, a few hours after I logged out. Nakagat ng aso tong si Lemuel Belaro. Maliit lang naman, pero still its a bite and potential for rabies infection (if meron man). So nakikibalita lang ako with friends, he insisted daw and went thru the gig pa din daw after non without having his vaccine first. Well, delikado yun lalo kung may rabies talaga yung dog. Anyway so ayun nga. After non, hindi na sya ulit madalas mag online so syempre namiss namin sya. Almost everyone got worried, asking ano nang nangyari. Well, siguro kaya madami nagalala kasi nga dun sa event prior sa time na nag'lie low sya sa twitter. People cant help but to connect the two.


Photo credits to @lem_owned
*i wasnt able to download the original picture so i print screened it haha sorry di ko na inayos. nagloloko si mouse-y e :))*

Eto na, syempre ako, emoterang dakila at feelingera. Nagsesend ako ng group message dun sa mga kaclose kong callalistas. Syempre, if di ko kaclose tas nagsend ako ng ganun baka mainis lang sakin so dun nalang sa kaclose ko. And yun nga, a friend, replied na kung gusto ko daw ba isama nila yung "message" ko na un sa ginagawa nilang letter for him. Well, wala namang masama kaso ang feelingera lang talaga nung message ko so in the end binago ko tsaka ko pumayag na isama yun. Tas nag request ako, pakausap, sabi ko, kay Sir Chef. Hahaha!

Yun nga, so I was expecting the call na and I was expecting to receive it past 12 midnight. E kaso tumawag quarter to 12 ata? so yun. Saglit nakausap ko si Sir Chef. :)) Wala lang. Nakakatuwa lang kasi. Bakit ba? Ee isa nga sya sa crush ko diba? Gusto ko nga kasi sya. Ang bait kasi. :)) Basta. Hahaha kung pipilitin ko pa idefine kung bakit ko sya gusto mapupuno lang tong blog ng "basta" HAHA!


Lemuel Belaro
Ivy: "Daddy talking to someone.. Ehem! Ehem! "
photo credits to @burgosivy26

I call him names, Haha! I call him Sir Chef (kasi mahilig sya magluto so imbis na SIR CHIEF, naging sir chef) tas my love (kasi basta. oh well. basta nga! yun na yon hahaha), Tas dati master (game master lemuel belaro haha), basta. Haha mga ganon. Si K kasi, tawag ko don boss/tas dati, ultimate crush. wala akong tawag kina Aaron at Tatsi di ko kasi sila masyadong nakakausap. Ayun. Share lang :)) kasi super saya ko lang non promise. Goodvibes ako nung sumunod na araw. Basta, kahit anong panira, walang panama. Goodvibes pa sa goodvibes. Hahaha! ee, Lemuel Belaro yung nakausap ko e. May dahilan pa ba para maging malungkot? :)

-- Thanks for reading! -- Please do follow me on twitter @yelquiamco and follow my group @CKInvasion ;) thankyou!
Read More

© As Brain Doodles in my Heart, AllRightsReserved.

Designed by ScreenWritersArena